Monthly Archives: December 2011

Litratong Pinoy: Tapos (end)

Sa pagtatapos ng taon, kagaya ka rin ba ng karamihan na gumagawa ng New Year’s Resolution o tseklist ng mga pangako o plano mong gagawin o gustong mong baguhin sa takbo ng iyong pamumuhay sa bagong taon?

May mga ilang resolution ako noong isang taon ang natupad pero ang karamihan ay nanatiling plano pa rin.

Madalas na ipagawa sa mga mag-aaral ang New Year’s Resolution. Isa ito sa una nilang asignatura pagbalik nila sa paaralan pagkatapos ng Christmas vacation.

Natutuwa naman ako dahil natupad ng aking anak ang mga isinulat niya noong nakarang taon. Nagsikap siya sa pag-aaral at pagkatapos ng taon (school year) mataas ang nakuha niyang grado.

New Year, New Job

Some people I know look for a new job at the beginning of the year. Their decision stemmed from the belief that the New Year will bring them good luck in their endeavor. My niece for one will be working for a new employer next month. She quit her Technical Trainer Jobs because the offer of the new company is too tempting to resist. The basic salary is higher and there are a lot of other benefits compared to her former company. I heard she plans to buy a high-end camera as a gift to herself once she receives her first paycheck from her new job.

Litratong Pinoy: Hiling (Request)

Nakapanayam ko ang dalawang matandang babae noong Disyembre 2007 habang ako ay gumagawa ng feature story tungkol sa mga matatanda na kinukupkop ng Golden Acres.


Ang lola sa unang larawan ay nabibilang sa may kayang pamilya. Subalit nang siya ay naging masasakitin at tumanda na siya ay dinala sa institusyon na pinapatakbo ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development. Siya ay nananabik na muling makapiling ang kanyang pamilya lalo ang kanyang anak na lalaki. Hiling niya na makapiling siyang muli sa mga huling bahagi ng kanyang buhay.


Si lola ay hindi na nakakakita. Nabulag siya sanhi ng kanyang katandaan. Hindi man siya mapalad na magkaroon ng sariling anak, subalit may isang tao na sa kanya ay nagmalasakit at nagmahal bilang isang tunay na ina. Patuloy siya nitong inaalala at dinadalaw kung ito ay magkakataon. Mahigit 90 na si lola ngayon.

Iniisip ko kung sila at sampu ng kanilang mga kasama sa Golden Acres ay naaalala pa ng kanilang pamilya lalo na ngayong Kapaskuhan. Simpleng hiling lang ang kanilang ipinagdadasal ‘yan ay ang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay na siyang tunay na makapagbibigay sa kanila ng tunay na kasiyahan at kapayapaan sa buhay.

Maligayang Pasko sa Lahat!